Sunday, August 19, 2012

Zsazsa Padilla may stage 1 cancer sa kidney



Hindi pa man nakaka-recover sa pagkamatay ni Dolphy, isang panibagong dagok na naman ang kinakaharap ni Divine Diva, Zsazsa Padilla. Napag-alaman nga na mayroong malignant na tumor sa kidney si Zsazsa at nakatakda itong operahan sa sikat na ospital na Cedars Sinai sa Amerika.

Ayon kay Zsazsa, kung papalarin at magiging matagumpay ang kaniyang operasyon sa darating na August 27  sisiguraduhin niyang magkaroon ng bucket list at isa na sa mga gagawin niya ay ipalaganap ang cancer awareness.

No comments: