Wednesday, September 29, 2010

Bela Padilla, Desperate Star?

If Pinoy Parazzi is to be believed, Bela Padilla who recently had a rift with Marian Rivera, is the one who has some serious attitude problems.

Past reports says that according to Padilla's camp, Marian harassed Bela during the taping of Endless Love. Marian supposedly locked Bela in a bathroom and called her bobong umarte and pangit. Marian's manager denied all these reports, saying that Bela is just using Marian para sumikat.

According to Pinoy Parazzi writer Joey Sarmiento, Bela Padilla is not at all what she seems:

Nagrereyna-reynahan? Yap, literally e, ginawa nilang dalawa ‘yon kaya takot sa kanilang dalawa ang halos lahat ng mainstays sa naturang gag show.

Kami noon ang chairman ng screening committee ng Search for Page Image model some years back, kung saan siya sumali at natalo at nag-protesta. She took it personally kaya nang nalaman nilang mag-ina na kasama sa mainstay ang aming talent na si Sofia Sarmiento sa Loco Moco High, every taping day nila itong pinariringgan ng masasakit na salita until nagkagulo na sila sa production.

“Yaiks! Tingnan mo ang kanyang legs, hindi maganda… yaiks, ang skin niya, hindi flawless!”

‘Yan ang ilang mga personal comments na sinabi ng mommy ni Bela kay Sofia point blank. Nagkataon na present din ang mommy ni Sofia nang taping na ‘yon kaya your guess is as good as ours, naghalo ang balat sa tinalupan, so to speak.

Dinuru-duro ng mommy ni Bela si Sofia while hurling invectives against her kaya umiyak nang major-major ang neophyte star. Hindi pa tumigil du’n ang mommy ni Bela dahil talagang kinausap pa niya ang executive producer ng naturang gag show para tanggalin si Sofia just to get back at us dahil kami nga ang kanyang sinisisi kung bakit hindi nanalo ang kanyang anak sa isang search noon.

And same thing happened. Nagpa-presscon din si Bela after all the incidents para makapag-ingay and now, ginawa ulit nila ang kanilang ginawa noon. Nagpa-presscon ulit ang mag-ina para maka-eksena sa Dingdong-Marian relationship.

Now, iniisip tuloy namin. Ganu’n ba ka-desperate ang mag-ina para mapag-usapan lagi si Bela at maging laman ng TV talkshows and print? Dahil kung ganu’ng desperada siyang maging star, baka siya rin ang bida sa mga blind items recently na diumano’y may isang female young star na ginamit ang charm sa isang TV executive para makapasok sa network?

Bela harassing some starlet? Isn't this her story when she told the public that Marian's harassing her, a starlet? Oh well. What comes around goes around, I guess.


source


No comments: